Sipat
Friday September 04th 2009, 5:42 pm
Filed under: freehand, small matters

Nakakatuwang maglagay ng isang salitang pamagat sa mga post, yun lang talaga ang dahilan kaya SIPAT ang tawag ko sa sasabihin ko ngayon.

Naghihintay pa ang mga labada, bahagya rin lang akong nakatulog, 2.30am - 5:30am. Biniro nga ako ni Jo eh, parang pangmatanda na raw ang sleeping patterns ko. Ouch! Sinabi pa na ang pormal masyado ng hitsura ko. Aww.. ulit.

Kapag ginugusto kong maramdamang may maganda sa akin, kailangan ko lang lumingon sa kaliwa, hehe, andito kasi yung salamin. Tapos ngingiti. Waaaaaah. Nakakasilaw. hehe.. Pero ‘pag gusto kong tumapak muli sa lupa matapos kong magmataas, kailangan ko lang makinig sa puna at palya sa pagkatao ko. Muli, bagamat sugatan, nakakaraos din. hehe..

Iba pala kasi kapag nakikinig ka sa pananaw ng iba tungkol sa’yo. Hindi naman dapat paniwalaan lahat ng sinasabi nila, ahh.. parang hayaan mo lang silang magsalita, tignan mo kung hanggang saan nila kayang maging ‘honest‘ sayo. Kapag sagad hanggang buto na pati pagnguya mo napapansin, tunay na kaibigan ‘yan. Wag kang mapahiya. Tapos subukan mo rin kung hanggang saan nya kayang tanggapin ang pamumuna mo. Kung intensyon mo lang mamintas, wag na lang, nagsasayang ka lang ng laway, dapat gusto mo talaga mabago yung kinaaayawan mo.

Ayun. Parang bata lang ang kausap ko. Bakit ba ako naglelecture? Naisip ko lang kasi na minsan medyo sensitibo tayo na nakakagawa na tayo ng ‘wall’ sa paligid natin, para di tayo lubusang masaktan. Hindi lahat sa buhay natutunan sa aklat. Andami ngang di sa libro makukuha eh. Yun yung dapat siguro nating makasanayan o pagsanayan. Ang pakikisalamuha sa iba’t ibang mukha, sa iba’t ibang ugali, at sa iba’t ibang pananaw. Minsan sipatin naman natin ang bakuran ng kapit-bahay, wag tapunan pag malinis, wag kainggitan kundi tularan kung maganda. Ayan.. nagpapanggap na naman akong maalam. Sige, paalam muna.



hahay…
Sunday August 09th 2009, 5:56 pm
Filed under: freehand

Ewan mo kung tawa o buntung-hininga, pero madalas na ikspresyon yan ng mga katulad ko kamakailan.

Ewan pero may mga sandali talagang matitigilan ka, mapapaisip, bakit ganun ang buhay? Di mo maintindihan ang iilang bagay. Siguro hindi nga talaga dapat kasi intindihin ang iilang bagay na iyon.

Kung meron mang katangiang patuloy kong hinahangaan sa kaibigan, yun ay ang abilidad nilang balewalain ang ilang bagay. Minsan kasi mumunting bagay, pinalalaki natin. Pag inilabas mo kung anong nasa isip mo, mahihimasmasan ka, ayy, di naman pala malaking isyu o kaso.

Siguro, nakaligtaan ko lang saglit ang sinabi ng isa sa mga paborito kong manunulat, si Og Mandino, “All things shall pass.”

Eh, lilipas din naman pala ang lahat ng bagay, bakit kailangan sobrang mag-alala? Kahit gaano pa karubdob ang naramdaman mo sa isang sandali o saglit ng buhay mo, hindi yun maaring mananatili nang habambuhay. Kasi walang kayang manatili. All things shall pass.

Ahh… tumatanda na nga yata ako, diba mga matatanda lang ang nakakaisip ng ganitong mga bagay-bagay. Kailangan nang magtigil. Kumilos na lang para mas maraming magawa habang nananatiling buhay sa mundong ibabaw.

Adios.



saklap
Friday July 31st 2009, 1:20 am
Filed under: Uncategorized

dalawang digits lang eh.. tama na sana.. di sana kailangan ang mahabang paglalakad at ilang minuto ring pagsimangot.. ang pinakamahirap kasing tanggapin, hindi umaayon ang lahat sa plano ko..

mainitin nga kaya talaga ang ulo ko? hay.. pambihirang araw.. nangangalahati pa lang, parang gusto ko nang matapos..

alam na alam ng kapalaran kung paano ako aasarin.. hehehe.. at ang malala, ako naman, nagpaasar..

sa araw na ito, wala muna akong igagalang na punctuation..



Kanta ng Cartoons sa DOS
Tuesday July 21st 2009, 7:52 pm
Filed under: Uncategorized

“Maglalakbay ako patungo sa kawalan upang habulin kong pangarap sa buhay, at susuungin ko itong kadiliman, makita ko lamang ang liwanag ng Katarungan.”

- BTX

“Tahakin ang landas ng kalawakan.”

- Thunder Jet

“Kapag umikot na ang mundo, Iikot din ang buhay ng tao, Bagong pag-asa’y matatanaw, tadhana na ang siyang pupukaw. Kapag bumilog na ang buwan, bago pa sumikat ang araw, bagong pag-asa’y matatanaw, tadhana na ang siyang pupukaw.”

- Julio at Julia

“Marami kang pangarap, Kasing-taas ng langit, Kaya laking tuwa ko nang ibulong mo na kasama ako. Hawak-kamay, kapit-bisig, tayo nang habulin ang mga tala, kasama kita kaya hindi ako mangangamba.”

“Mapalad ang maging kaibigan mo, Nakaukit ang pagmamahal sa iyong puso, kaya taimtim kong pangako, Gagawin ko lahat, Para sayo.”

- The Musketeers

Humayo ka, Kaibigang Tom Sawyer, Maglakbay kung saan mo man naisin…

- The Adventures of Tom Sawyer

Maasahan pag sya’y kailangan, tawagin mo ika’y lalapitan. Ang lungkot at ang lumbay ay mapapawing tunay. Magkasama sa lahat ng oras…

- Tico

Bakit kay ganda at kay sigla ng mundo kung ikaw ay bata pa… Magtampisaw ka sa tubig, maglaro ka sa kalsada…

- Little Woman 2

Ayan. Diyan nagtatapos ang maikling pag-alala sa mga natipuhang kanta sa mga palabas na cartoons sa dos. Kayo, kaya nyo pang kantahin?



PATHWAYS TO THE PAST
Thursday July 09th 2009, 7:53 pm
Filed under: nostalgia

Ayan, bilang test kung kaya pa kayang buuin ang koneksyon sa mga kaklase, katropa, katukayo, kaututang-dila o kakilala natin noong hayskul, ipinakikilala ko po ang blog na ito.

HIGH SCHOOL BLOG

HIGH SCHOOL BLOG

Calling all alumni of JCMPHS, PHS and LHSPA to remake the past, get wired now and for the future of our alma mater.

Maaari po kayong maging bahagi ng kwentuhan basta may kinalaman sa karanasan nyo nung hayskul. Malugod ko pong inaanyayahan ang lahat na patulan ang ganitong mga bagay. Minsan lang kasi ‘to. Di naman kailangan mahaba, Ingles o high-falutin words ang gamitin. Sakto na na malinaw po nating maihatid ang mensahe sa ka-school mates natin. Tara, tena. Bumisita. Sumulat. O mag-iwan ng marka.



Kwento ng Tamad
Tuesday June 23rd 2009, 6:18 pm
Filed under: freehand

Sawa na ba kayong gamitin sina Juan Tamad, Langgam at Tipaklong para ituro ang aral na wag maging tamad? Pwes, ikwento nyo si CaMel.

Madalas nyang pagmasdan ang itsura nya sa malinaw na tubig sa oasis ng disyerto, palibhasa biniyayaan ng magagandang mata dahil sa malalantik na pilik, si CaMel ay di na nga makaalis mula sa bahaging yun kahit sino pa ang dumating at tumawag sa kanya. Gaya ni:

“CaMel, baka pwede mo naman kami tulungan magtrabaho sa bukid,” sabi ni Kabayo na humahangos pa dahil sa layo ng tinakbo, mula bukid ba naman patungong disyerto.

“HUMPH,”maikling sagot ni CaMel.

Yukong umalis si kabayo, bigong bumalik at nagkwento kay aso. Kaya si aso naman ang tumungo sa disyerto nang sumunod na araw.

“CaMel, siguro naman may panahon ka na ngayon para tumulong sa’min sa bukid?” tanong ni aso kay CaMel na wala pa ring tinag sa katititig sa kanyang anyo sa malinaw na oasis.

“HUMPH,” pairap na sagot ni CaMel.

Di kinaya ni aso ang ganitong eksena, kaya dali-dali syang bumalik sa bukid. Nasayang ang panahon nyang maghintay sa sagot ng aroganteng kamelyo, nailabas nya ang sama ng loob kay kalabaw.

“Wag kang mag-alala, akong bahala,” sabi ni Kalabaw. Sya naman ang tumungo kay CaMel nang sumunod na araw.

“CaMel, dalawang kaibigan natin ang tinanggihan mong tulungan. Ano bang problema, CaMel? Bakit ayaw mong magtrabaho?” usisa ni kalabaw sa kamelyong abala pa rin sa pagsipat sa kanyang mukha sa oasis.

“HUmph,” marahang sagot ni CaMel, halatang pagod na kakapakinig.

Hayy…  kapagod magkwento..

Anong inaasahan nyong wakas? Syempre, susugod ang amo, paparusahan ang kamelyo. English kasi ‘tong kwento na ‘to, sulat ni Rudyard Kipling na may pamagat na “How the Camel Got His Hump”.

Ngayon, alam nyo na ang wakas ha. Kwento nyo rin sa iba.



Munting Musikero
Sunday June 14th 2009, 9:41 am
Filed under: small matters

Hindi marahil makukumpleto ang linggo ko kung hindi ko makikita at makakalaro ang pamangkin kong musikero. See-saw ang warm-up game namin. Paano?

Siguro naman may ideya na kayo kung ano ang gagawin, pagdikitin ang dalawang binti, tapos taas-baba. Eh, di makagagawa na ng ilusyon ng see-saw. Saya.. hehehe.. Pwede nyo rin samahan ng drama, pag gusto nyong ipahinga ang binti nyo. Sabihin nyo:”ayy, nasira ang see-saw, ayusin nyo…” Matatawa kayo sa sarili nyo. At marahil sa reaksyon ng mga tsikiting habang sinusubukan nilang kumpunihin ang mga binti nyo dahil nga, SIRA ang see-saw.. hehehe…

Ayun, bakit nga ba nasabi kong musikero? Kasi naman, kanina, kinantahan na naman nya ako ng bagong kanta, ewan ko kung anong title pero ganito ang lyrics ng chorus na naalala ko:

“Ikaw na nga, ang hinahanap ng puso,

Ang syang nagbibigay ng tamis sa buhay ko… oh..oh..”

Grabeh talaga ang pamangkin kong ‘yon. Hindi nya ba alam kung gaano sya ka-cute pag kinakanta nya yun? Hay.. sabi ko nga kay ate, masaya na ako sa mga anak nya, di ko na kailangang magkaroon ng sa akin. hahaha… At eto ang mas cool, yung sumunod sa nephew ko, 3 yrs. old, so bulol pa.. hehehe.. back-up sya ng kuya nya.. ang kulit..

Parang ganito… Yung “puso” sinasabi nyang “puto”… kulit.. ang sakit ng tiyan ko kakatawa sa pagkakabali-baligtad ng letra ng mga kinakanta nya. Hay, likas talagang komedyante ang batang iyon.

Tapos, nagpasikat ulit nephew ko, hehe, nagsulat ng mga letrang natutunan nya mula sa isang linggong pagpasok sa day care center.. Hahays… at ang huling topic? Gusto nya raw ibili sya ng VIOLIN. Syempre hindi nya alam kung anong tawag dun, iminuestra nya lang, nakahilig ang ulo sa kanang balikat, tapos parang may hawak na pangkalabit ng kwerdas. Ganun.

Hehehe… Sana magkaroon nga talaga sya ng kinabukasan sa musika. Isa yan sa mga mundong gusto kong tuklasin ngunit wala nang sapat na panahon… at tila ba hilaw ang talento ko. Hindi napaunlad.

Sige.. napapahaba na naman ako… baon ko na naman ang alaala ng pamangkin kong, hay, bawat linggo ko yatang higit na mamahalin at patuloy na aantabayanan.



Sa Kabataang Pilipino
Thursday June 11th 2009, 4:30 pm
Filed under: meaning

Filipino version

ni Jose P. Rizal


Itaas ang iyong
Malinis na noo
Sa araw na ito,
Kabataang Pilipino!
Igilas mo na rin ang kumikinang mong
Mayamang sanghaya
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!Makapangyarihang wani’y lumilipad,
At binibigyang ka ng muning mataas,
Na maitutulad ng ganap na lakas,
Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad,
Malinis na diwa, sa likmuang hangad.Ikaw ay bumaba
Na taglay ang ilaw
Ng sining at agham
Sa paglalabanan,
Bunying kabataan,
At iyong kalagiun ang gapos mong iyang
Tanikalang bakal na kinatalian
Ng matulain mong waning kinagisnan.

Ikaw na lagi nang pataas nag lipad,
Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap,
Na iyong Makita sa Ilimpong ulap
Ang lalong matamis
Na mag tulaing pinakananais,
Ng higit ang sarap
Kaysa “ambrosia” at “nectar” na awagas
Ng mga bulaklak.

Ikaw na may tinig
Na buhat sa langit,
Kaagaw sa tamis
Na kay Filomenang Malinis na himig,
Sa gabing tahimik
Ay pinaparam mo ang sa taong sakit,
Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas
Sa lakas ng iyong diwa’y nagagawad
Ng buhay at gilas,
At ang alaalang makislap
Ay nabibigayan ng kamay mong masikap
Ng buhay na walang masasabing wakes.

At ikaw, na siyang
Sa may iba’t ibang
Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Gayundin sa lambong ng katalagahan,
Na siayng sa guhit ng pinsel mong tanga’y
Nakapaglilipat sa kayong alinman;

Hayo na’y tumakbo! Sapagka’t ang banal
Na ningas ng wani’y nais maputungan
Kayong naglalama’y,
At maipamansag ng tambuling tangan,
Saan man humanggan,
Ang ngalan ng tao, sa di matulusang
Lawak ng palibot na nakasasaklaw.

Malwalhating araw,
Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Ang Lumikha’y dapat na pasalamatan,
Dahilan sa kanyang mapagmahal,
Na ikaw’y pahatdan.



Nang Matutunan ko ang Math
Tuesday June 02nd 2009, 10:37 am
Filed under: small matters

Natigil lamang ang labis kong paghanga sa nagagawa ng “plus” nang makilala ko ang “divide.” Mahilig kasi ang iba sa atin sa dagdag, pero bihira ang gustong magparte-parte. Marahil, implikasyon ito ng pagkatigil ng ating interes na itaas pa ang lebel ng kaalaman natin sa Matematiks.

Hindi ko alam pero wala akong ginawa sa buong maghapon kundi mag-add. Nakakatanda pala ‘pag ganun. Kahit gaano ka pa kaganda. hahaha… Kwento ko na nga…

PC ko sa office, nawalan ng internet connection, eksaktong magsisimula na ang calls. Eh, hindi ako nagsusulat ng number ng estudyante sa notbuk, ayun, patay… naloko na. Inikot na ang buong opisina, hinalughog ang lahat ng istasyon para lang hagilapin si technician bryan, hay, wala. Pambihirang araw..

Eh, di pinakialaman ko na ang computer ng katabi ko, kahit alam kong medyo sensitibo sya (isang ngiti lang naman kapalit, ok na..). Kaso sa paulit-ulit kong pag-iinput ng password, palagi pa rin akong sinusuka ng webpage. Tsk…tsk..

Malilintikan talaga ako, tatlong klase na ang hindi ko natatawagan. Ayoko sa lahat ‘yong napapagalitan. Hay.. kahit ginawa ko na lahat ng alam kong paraan.

Napagana ko naman ang malilisik kong mga mata. Inunahan ko na ang boss. Nagreklamo:

“Ako lang sa hilerang ‘to ang palpak ang PC. Matagal ko na itong inirereklamo. Ayokong kumausap ng manager. Wala akong kasalanan.” Sabay alis.

Eh, di, sinundan. Primadona. Wala naman akong planong magpahabol. Nag-alala lang sya kasi parang kakain ako ng buhay na tao sa hitsura ng mukha ko. Hindi ako makahugot kahit “civil” lang na ngiti eh… Hindi ko pinilit.

“Seryoso ka ba na magreresign ka na?”sabi ng boses.

“Half-truth outburst lang,”sabay sakay sa elevator.

Ang temper nga naman…. hindi mo alam kung kelan aatake ng umaatikabo. Pagkatapos, inisip ko ang sitwasyon. At napag-alaman ko kung saan ako nagkamali: Formula.

Kate… atin-atin lang ha.. hahaha… di pa rin ako maka-get over. Huwag mo na lang ipagsabi. Salamat.



Monster
Monday June 01st 2009, 11:03 am
Filed under: Manga

Share ko senyo ang isa sa mga nakita kong magandang manga. Ganda ng istorya. Mahusay ang mga linya. At hindi pinilit lang pahabain. Kung nagustuhan nyo ang Death Note, siguro mas maaliw kayo sa takbo ng kwento ni Dr. Tenma.

Oo. Doktor sya. Cool diba? Pero hindi sya iyong tipong “nerd” na nakadistansya sa nakararami. Sige, para sa mga gustong palawakin ang kaalaman nila sa Ingles, BASA po tayo. Kapana-panabik ang bawat istorya. Pangako.

Si Dr. Tenma kasama ang Monster

Si Dr. Tenma kasama ang Monster

Subukan mong i-click ang poster.